 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 09 March 2023 |
| |
|
|
Bakit daw mga payat ang nasa impiyerno at malulusog ang nasa langit? Di makakain ang nasa impiyerno dahil nagsosolo at di maisubo ang kutsarang may mahabang tangkay. Nagsusubuan naman ang mga nasa langit. Ang makasarili ay para sa impiyerno. Ganoon si Dives na hindi tumulong kay Lazaro. Wala siyang ginawang masama pero wala rin ginawang mabuti. Sarili lang ang iniisip. Ayaw kong mamayat dahil sa kasakiman. Ayaw ko sa impiyerno. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|