Share the Thought by Msgr. Andro
12 March 2023
 
Umiiwas sa mga tsismosa ang Samaritana, kaya, tanghali na siya pumunta sa balon. Baka nga naman pagtsismisan ang kanyang buhay. Di niya akalaing makakatagpo si Jesus na waring "tsismoso" rin. Inungkat pa ang kanyang nakaraan at alam na nakikisama siya sa hindi niya asawa. Bandang huli ay nakilala niya ang Panginoon. Humayo siya at ikinalat ang "tsismis" tungkol kay Jesus. Dating biktima ng "gossip," ang Samaritana ay naging "gospel-gossiper." Kaygandang kuwento!

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN