Sa Isang Salita: '#Unli' ni Msgr. Noel
14 March 2023
 
24/7 at unli ang pinasikat na promo ng mga telcos. Walang limitasyon, kahit saang network, maaari kang magconnect.

Ang awa at habag ng Diyos ay walang sukatan. Magkasala man tayo, maaari tayong kumonek sa Diyos 24/7. Anumang oras, maaaring humingi ng tawad at magsisi. Ang kanyang pag-ibig sa makasalanang nagsisisi ay walang hangganan.

Ani Hesus: "hindi lamang pito, kundi makapitumpong ulit pa nito" ang pagpapatawad na dapat nating gawin sa mga kapwang nagkasala sa atin.

Ang numerong pito ay simbolo ng kaganapan. Kapag pinarami pa ng pitumpo, ang katumbas nito ay walang hanggan. Ang awa ng Diyos ang ating pamantayan ng pagpapatawad sa kapwa. Hindi natin dapat bilangin ang pagkakataong dapat tayong magpatawad sa taong nagkakasala sa atin.

"To err is human, to forgive is divine." Sa pagpapatawad, sumisinag sa ating pagkatao ang kabanalan ng Diyos. Tayo'y nagiging tulad ng 'stained glass' ng simbahan: ang ganda nito ay higit na tumitingkad nang dahil sa sinag ng araw na lumalagos mula sa labas.

*Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN