 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
17 March 2023 |
|
|
Pwede bang yumakap na bisig lamang ang gamit at hindi kasama ang puso? Pwede! Pero walang dating 'yon. Kahit pa higpitan mo ang yakap ay hindi pa rin ramdam. Iba kapag may pusong tumitibok sa pag-ibig. Ganoon ang laman ng "Shema" [ibig sabihin ay "listen"] na may karugtong na atas ng pagmamahal nang BUONG PUSO. Ganyan ang pag-ibig sa Diyos. Hindi mo naman siya yayakapin sa bisig kundi sa puso. Ihahandog mo sa kanya ang iyong puso, ang iyong buong buhay. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|