 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
18 March 2023 |
|
|
Nagbubuhat ng sariling upuan -- Ganyan ang tawag natin sa mga taong pumupuri sa sarili. Ang Pariseo sa ebanghelyo ay gumawa ng litaniya ng kanyang kabutihan, bagay na hindi kinalugdan ng Panginoon. Ang papuri ay dapat magmula sa ibang tao at hindi sa sarili. Kapalaluan ang maghanay ng sariling birtud. Kahanga-hanga ang publikano -- makasalanan ngunit mababang-loob. Siya ang ating tutularan. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|