 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Ama' ni Msgr. Noel |
22 March 2023 |
|
|
May mukha ba ang Diyos? Kung mayroon, ano kaya ang kanyang itsura?
Ang sagot ay matatagpuan natin sa isa sa pangunahing mensahe ng ebanghelyo ni San Juan. Ang Diyos na di nakikita ay 'binigyang-mukha' ni Hesus. Siya ang Salitang naging tao.
Si Hesus ang nakikitang larawan ng di nakikitang Diyos. Ipinakilala Niya sa atin ang Diyos sa pinakamatalik na ugnayang makatao: Abba, Ama, Itay.
Lahat ng maaari nating sabihin at hingin sa ating tatay ay walang pag-aatubiling mahihiling natin sa Diyos sapagkat siya ay ating Ama.
Tuwing ipinapahayag natin ang 'Sumasampalataya,' ipagpasalamat natin ang dakilang biyayang ito. Ang Diyos na "sa langit ay sikip," sa puso natin ay malapit.
*Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|