 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Oras' ni Msgr. Noel |
24 March 2023 |
|
|
May dalawang pagkaunawa ang tao tungkol sa oras. Sa mga relihiyong oriental, ang oras ay paikot-ikot lang. Kapag nakumpleto na ang isang siklo, babalik na ito sa pinagmulan. Dahil nauulit ang panahon, maaring hulaan ang iyong kapalaran - kagaya, halimbawa, ng mga hula sa horoscope.
Samantala sa biblia, ang oras ay hindi paikót, kundi pasulong. Ang oras ay may tinutungo. Ang panahon ay sumusukdol sa kaganapan nito.
Sa ebanghelyo, ang 'oras' ni Hesus ay ang oras ng kaluwalhatian. Nakatakda. Niloob ng Diyos na sa isang yugto ng panahon maganap ang pag-aalay niya ng buhay sa Krus. Sa kanyang kamatayan naganap ang oras ng pagluluwalhati.
Bawat oras ay sandali ng biyaya. Huwag nating ipagpapabukas ang paggawa ng mabuti. Sa ating pag-aalay, Diyos ang niluluwalhati. May divine appointment tayo sa Diyos... sa bawat araw, sa bawat oras.
*Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|