 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Alipin' ni Msgr. Noel |
| 29 March 2023 |
| |
|
Hindi lahat ng ating 'gusto' ay 'dapat.' Maraming kagustuhan ang tao ay bunga lang ng layaw. Kapag sinunod natin ang ating layaw, hindi na tayo malaya. Tayo ay alipin ng hilig. Malimit itong nauuwi sa bisyo.
Ayon kay San Juan, "Alipin ng kasalanan ang lahat ng nagkakasala." Hindi kalayaan ang gumawa ng masama. Ito'y pagpapaalipin sa hilig ng laman. Kailangang gabayan ng 'dapat' ang ating 'gusto.'
Hinihimok ng panahon ng Kuwaresma na tayo ay mag-ayuno. Ang ayuno ay 'pag-angat' sa ating hilig upang maging malaya ang ating espiritu.
Isinilang tayo upang maging malaya. Yakapin natin ang katotohanan ng pag-iral. Ang katotohanang ito ang magpapalaya sa atin.
*Miyerkules sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|