 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patotoo' ni Msgr. Noel |
| 23 April 2020 |
| |
|
Ang "nakakita at nakarinig" lamang ang may karapatang magpatotoo. Sa ebanghelyo ni San Juan, taglay ni Hesus ang kapangyarihan na maging saksi ng Ama. Siya ay "nagmula sa langit" at matalik na kaugnay ng Ama.
Ang daigdig ay parang isang hukuman. Dito ay susubukin ang ating kakayahang maging saksi ng ebanghelyo. Kaya nga, kailangang "nakita at narinig" muna si Hesus para maging mabisang tagapagpatotoo Niya.
Tayo kaya ay tunay o huwad na saksi? Masasalamin ito sa ating mga pasya, ugali at pagkilos. Sa harap ng matinding krisis, mabubunyag kung sino at ano tayo: tayo ay mga Kristiyanong tunay o Kristiyano lang sa pangalan.
Sa panahong ito, lumitaw nawa ang diwa ng ating pakikipag-kapwa at pagbabahaginan.
*Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|