 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Imortal' ni Msgr. Noel |
| 30 March 2023 |
| |
|
Lahat ng umiiral sa oras ay may wakas. Kahit ang pinakasikat at pinakamakapangyarihang nilalang ay lilipas sa pagdaan ng panahon. Ilusyon ng pagiging imortal ang ibinibigay ng salapi at kayamanan. Akala nila, may 'forever' ang pamamayagpag sa kapangyarihan.
Sinabi ni Hesus, sa ebanghelyo ni San Juan: "Ang namumuhay ayon sa aking mga aral ay di makakaranas ng kamatayan."
Kailangan natin ang manalig. Walang kapangyarihan sa lupa ang puwedeng magligtas sa atin mula sa pagpanaw. Sa pananalig, kumakapit tayo sa Diyos. Nanghahawakan tayo sa kanyang Salita.
"Lahat ng hawakan ng ating mga kamay ay dagliang napaparam, subalit ang pahawakan natin sa kamay ng Diyos ay mananatili kaylanman."
Sa mensahe ni Papa Francisco sa kanyang Urbe et Orbi, noong kaigtingan ng pandemya, ipinaalaala niya:
"Now is not the time of God’s judgment, but of our own: A time to choose what matters and what passes away, a time to separate what is necessary from what is not. It is a time to get our lives back on track with regard to you, Lord, and to others."
*Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|