Share the Thought by Msgr. Andro
01 April 2023
 
May mga taong nababahala kapag nagtatagumpay ang kapwa. Wika ng mga punong saserdote at mga Pariseo, "Gumagawa ng maraming kababalaghan ang taong ito [si Jesus]. Kung siya'y pababayaan natin, mananampalataya sa kanya ang lahat." Ang tagumpay ng Panginoon na dapat sana'y ikatuwa ay kanilang ikinatakot. Minsan ay ganyan din tayo. Naliligalig tayo sa tagumpay ng iba. Hindi ba't dapat tayong magalak? Sila'y kapatid natin. Ang karangalan nila ay atin din.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN