Sa Isang Salita: 'Walang Maiiwan' ni Msgr. Noel
01 April 2023
 
Si Caifas, ang punong saserdote noong panahon ni Hesus, ang nagsabi nito:

"Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti para sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, sa halip na mapahamak ang buong bansa?”

Ang katwirang ito ni Caifas ang nagtulak para mabigyang katwiran ang kamatayan ni Hesus.

Dapat nga bang hayaang mamatay ang isa para mabuhay ang lahat? Makatwiran bang isakripisyo ang karapatan ng ilan para sa protektahan ang buhay ng marami? Ayos lang ba na isantabi ang pangangailangan ng mga nasa gilid dahil mas mahalaga ang pangangailangan ng mga nasa gitna? Okey lang ba na sirain ang kalikasan para umunlad ang bayan?

Paglaya at kaligtasan ng BUO (whole) at LAHAT (all) ng tao ang hangad ng Diyos. Walang mahuhuli at maiiwan. Integral na pananaw sa tao, sangnilikha at buhay ang itinataguyod ng Simbahan.

Lahat ay tayo mahalaga sa Diyos. Lahat ng tao at bagay ay magkakaugnay. May layunin ang bawat isa para itaguyod ang plano ng Maykapal.

*Sabado sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN