Share the Thought by Msgr. Andro
03 April 2023
 
Kunwari ka pa! Ganyan ang sabi natin sa mga nagpapanggap na may mabuting layunin. Mabuti ang pananalita ngunit iba ang laman ng puso. Si Judas, kunwari, ay may malasakit sa mga dukha. Nanghinayang siya sa pabangong ibinuhos ni Maria sa mga paa ni Jesus. Para raw sana sa mga dukha ngunit ang totoo ay inisip niyang mapadagdag iyon sa hawak niyang kabang-yaman [na pwede niyang nakawin]. Marahil ay sasabihin natin, "Ang plastik ni Judas!" Baka naman ganoon din tayo!

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN