Share the Thought by Msgr. Andro
07 April 2023
 
Hindi puso, kundi krus, ang pinakamagandang simbolo ng pag-ibig. Tumitigil ang tibok ng puso pero si Jesus na namatay sa krus ay hindi tumitigil sa pagmamahal. Sa salaysay ng pagpapakasakit, ayon kay San Juan, ay kontrolado ni Jesus ang lahat ng kaganapan. Kusa niyang inialay ang kanyang buhay para sa makasalanan. Ang krus ay maningning na tanda ng banal na pag-ibig ni Jesus. Yakapin din natin ang ating mga krus -- malaya, bukal sa loob at puspos ng pag-ibig.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN