 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 09 April 2023 |
| |
|
Bukas na! Wala nang takip! Kayyamang simbolismo. Bukas na ang pinaglibingan kay Jesus. Naalis na ang takip nito. Walang nakakita na nabuhay si Jesus. The tomb is open. The tomb is empty. Naroon ang pambalot ngunit wala na ang binalutan. Ilang araw pa'y makakatagpo na si Jesus. Mapapatunayang muli siyang nabuhay. Tayo ang may takip pa ng kasalanan. Hindi pa bukas ang ating puso sa pagbabago. Pinalaya na tayo ni Jesus. Lumaya na tayo. Iwan na ang piitan ng pagkakasala. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|