Sa Isang Salita: 'Sinugo' ni Msgr. Noel
11 April 2023
 
Bagama't walang nakakita ng pagbangon ni Kristo mula sa kamatayan, maraming "post easter apparitions" o mga pagpapakita ni Hesus sa mga alagad matapos na siya ay muling mabuhay. Isa sa mga unang saksi ng pagkabuhay si Maria Magdalena.

Subalit hindi natapos ang salaysay sa pagpapakita ni Hesus. Nasundan ito ng pagpapahayag at pagpapatotoo ng mga saksi. Kaakibat ng espesyal na pribilehiyo na makita ang Kristong Nabuhay ay ang obligasyong ipakilala siya sa iba. "Resurrection means mission."

Hindi man natin nakita si Hesus, ipinaranas naman niya sa atin ang kanyang presensya sa ating mumunting 'muling pagkabuhay.' Ito ay ang mga sandaling tayo'y bumabangon mula sa mga pinagdaanang krisis sa buhay taglay ang pananalig sa kanyang paglingap.

Lahat tayo ay sinusugo para magbigay saksi sa Pagkabuhay ng Panginoon. Sa mga sandali ng dilim, kalamidad at kawalang pag-asa, si Kristo ay buháy at patuloy na kumikilos sa ating karanasan.

*Martes sa Oktaba ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN