 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Presensya' ni Msgr. Noel |
| 13 April 2023 |
| |
|
Walang hadlang na panahon at lugar sa pagkilos ni Hesus nang Siya ay muling nabuhay. Lumilitaw siya nang bigla sa gitna ng pagtitipon ng mga alagad. Lumalagos siya sa mga pintuan at pader ng silid.
Matapos tumawid si Hesus mula sa kamatayan tungo sa pagkabuhay, hindi na limitado ang kanyang presensya sa isang lugar at oras. Siya ay sumasalahat. Siya ay para sa lahat.
"We do not find God in a specific place because God can be found in every place." Ang bawat "karaniwan" ay "espesyal"; at ang mga itinuturing nating "ordinaryo" ay "katangi-tangi" sapagkat pinananahanan ito ng presensya ng Diyos.
Tuklasin natin ang kabanalan sa gitna ng ating mga gawain. Pagsumakitan nating magpakabuti sa kabila ng laganap na katiwalian. Hanapin natin ang Diyos sa gitna ng ating mga kaabalahan.
Bokasyon ng bawat Kristiyano ang ipadanas - sa pamamagitan ng kanyang ulirang pamumuhay - ang presensya ng Diyos sa lipunang kanyang kinabibilangan.
*Huwebes sa Oktaba ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|