 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Lambat' ni Msgr. Noel |
| 14 April 2023 |
| |
|
Sabi ni Papa Francisco: "God is eternal newness. He impels us constantly to set out anew, to pass beyond what is familiar, to the fringes and beyond." (Gaudete et Exsultate, 135)
Ganito ang diwa ng ipinahayag ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kalaliman." Tumungo kayo sa mga bagong hangganan ng mundo. Marami pang mga isda ang hindi nahuhuli sa lambat ng Panginoon.
Lahat tayo ay sinusugo rin na pumalaot at mamalakaya ng tao para kay Hesus. Hindi dapat tayo manghinawa at mawalan ng pag-asa sa harap ng mga kabiguan. Ito ay gawain ng Diyos. Siya ang magbibigay kaganapan sa ating pagpapagal.
Tulad ng mga alagad, tayo muna ay dapat "magpahuli" sa lambat ni Hesus bago tayo makahuli ng ibang tao para sa kanya.
Ang pagsaksi ay pinakamabisang paraan ng pangangaral.
*Biyernes sa Oktaba ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|