Sa Isang Salita: 'Pananalig' ni Msgr. Noel
15 April 2023
 
Ang puso ng tao ay may kanyang katwiran na di kayang ipaliwanag ng isip. Ang pananalig ay lenguahe ng puso. Ang tapat umibig ay wagas ding kung manalig.

Ang salitang 'Credo,' (I believe) ay galing sa dalawang salitang Latin: 'cor' (heart) at 'do' (give). Ang taong nananalig ay handang magbigay ng puso. A true lover is also a true believer.

Nakatala sa ebanghelyo na sa kabila ng pagpapatotoo ng mga saksi sa muling pagkabuhay, "marami ang ayaw maniwala."

Sa buhay, maraming mga bagay ang di kayang arukin ng isip... mga bagay na puso lamang ang nakakaunawa. Kaya nawika ni San Agustin: "Credo ut intelligam." I believe that I may understand.

"For those who believe, no proof is necessary, but for those who do not believe, no proof is possible."

*Sabado sa Oktaba ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN