 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 16 April 2023 |
| |
|
|
Palagi naman tayong dinadalaw ni Jesus. Madalas nga lamang ay hindi niya tayo matagpuan. Wala si Tomas nang unang magpakita ang Panginoong Muling Nabuhay sa mga alagad. Kahit siya binalitaan ay hindi iyon matutumbasan ng aktwal na karanasan. Kayraming pagkakataong nalalampasan natin ang pagdalaw ni Jesus. Sa iba nakatuon ang ating pansin. Marami tayong pinagkakaabalahan. Sana palagi tayong handa upang salubungin siya at personal na maranasan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|