 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Born Again' ni Msgr. Noel |
| 17 April 2023 |
| |
|
Ani Hesus kay Nicodemo: "hangga't hindi ka muling isinisilang sa tubig at Espiritu, hindi ka makapapasok sa Kaharian ng Diyos."
Ang salitang katumbas ng binyag ay ‘bautismo’ (sa Espanol), na galing naman sa Latin (v) na 'baptizo', na ang kahulugan ay 'ilubog.' Noong una, ang isang matandang binibinyagan ay inilulubog sa tubig ng tatlong beses : sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.
Ang paglulubog ay sagisag ng paglilibing. Namamatay ang lumang pagkatao ng isang binyagan. Sa kanyang pag-ahon, siya ay isa nang bagong nilalang. Siya ay "muling isinilang" sa tubig at sa Espiritu.
Ito ang pagiging "born again," sa tunay na kahulugan nito. Lahat tayong binyagang Katoliko ay mga bagong nilikha: tinalikdan natin ang lumang sarili at niyakap ang bagong buhay kay Kristo.
Hindi na natin kailangang mag-"born again" para maging mabuting Kristiyano. Pangatawanan lang natin ang biyaya ng binyag na ating tinanggap. Noong unang Linggo ng Pagkabuhay, muli nating pinapanibago ang ating panata: “Opo, itinatakwil ko si Satanas..., Opo, sumasampalataya ako kay Kristo. Paalaala ni Agustin: "Christians, be what you are."
*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|