Share the Thought by Msgr. Andro
18 April 2023
 
Sa Probinsiya ng Quezon ay may sinasabing "Bagaman" o kaya ay "Kahiman" na katumbas din ng "Diyata." Ang mga ito ay may himig ng pagtataka kapag hindi nangyayari ang dapat asahan. Parang ganoon ang reaksyon ni Jesus kay Nicodemo. Isa siyang guro ng Israel. "Kahiman" di siya makaunawa? Pwede rin 'yon sabihin sa atin. "Cristiano ka ah. Diyata't wala kang alam tungkol kay Cristo." Mas masakit marinig, "Anak ka ng
Diyos ay ang sama ng ugali mo. Bagaman!!!"

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN