 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 April 2023 |
| |
|
|
Kapag marami ay madaling magbigay pero kapag kaisa-isa ay magdadalawang-isip ka. Kahanga-hanga ang Diyos Ama. Hindi siya nag-atubiling ibigay sa daigdig ang kanyang Bugtong o kaisa-isang Anak, si Jesus. Nakapagpapalakas ito ng loob. Kung naibigay ng Ama ang kanyang Anak , ibig sabihin ay kaya na niyang ibigay ang iba pa, ang lahat-lahat na. Dahil dito ay malakas ang loob nating manalangin, taglay ang pag-asang walang hindi makakamit mula sa Diyos. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|