Sa Isang Salita: 'Parusa' ni Msgr. Noel
19 April 2023
 
Ayon kay Papa Francisco, ang dinaranas nating krisis sa ating panahon ay hindi kahatulan ng Diyos sa tao. Ito ay sandali ng paghatol natin sa ating sarili: isang panahon para "piliin ang mga bagay na tunay na mahalaga at ihiwalay ang mga bagay na pansamantala."

Hindi nagpaparusa ang Diyos. Taliwas ito sa kanyang kalikasan bilang wagas at dalisay na Pag-ibig. Ipinahayag sa ebanghelyo: naparito ang Anak ng Diyos hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. "God's blessing is more original than our sin."

Ang totoo, marami sa mga dinaranas nating paghihirap ay bunga ng ating kasalanan at maling pagpapasya. Anang Papa, ang naranasan nating pandemya ay isa lamang sa mga pagpaparamdam ng kalikasan sa ating kapabayaan at pagsasawalang-kibo.

Isang panawagan ng pag-ibig na mahalin natin ang daigdig na ating tanging tahanan. Saklaw ito ng mapanlikha at mapanligtas na gawa ng Diyos.

Sa panahong ito ng krisis at kawalang-katiyakan, nawa'y matuto tayo sa karunungan ng mga katutubong Amerindian: "Only when the last tree has been cut down; Only when the last river has been poisoned; Only when the last fish has been caught; Only then will you find that money cannot be eaten."

*Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN