 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patotoo' ni Msgr. Noel |
| 20 April 2023 |
| |
|
Ang "nakakita at nakarinig" lamang ang may karapatang magpatotoo. Sa ebanghelyo ni San Juan, taglay ni Hesus ang kapangyarihan na maging saksi ng Ama. Siya ay "nagmula sa langit" at matalik na kaugnay ng Ama.
Ang daigdig ay parang isang hukuman. Dito ay susubukin ang ating kakayahang maging saksi ng ebanghelyo. Kaya nga, kailangang "nakita at narinig" muna si Hesus para maging mabisang tagapagpatotoo Niya. Hindi sapat na 'alam' lang natin ang aral ng Kristiyanismo (orthodoxy). Dapat ding may 'pakialam' tayo sa pagtataguyod ng kabutihang pangmadla at katarungan (orthopraxy).
Tayo kaya ay tunay o huwad na saksi? Masasalamin ito sa ating mga pasya, ugali at pagkilos. Sa harap ng matinding krisis, mabubunyag kung sino at ano tayo: ang mga tunay na alagad o mga Kristiyano lang sa pangalan. *Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|