Share the Thought by Msgr. Andro
24 April 2023
 
"Ginagamit" ka lang? Ah, masakit na karanasan 'yan. Ang tao ay minamahal, hindi ginagamit. Sa ebanghelyo ngayon ay waring ginagamit lamang si Jesus. Hinahanap siya dahil sa tinapay. Tagabigay lamang ng pagkain -- Ganyan ang tingin nila kay Jesus. Masakit iyon para sa Panginoon. Ang nais niya'y hanapin natin ang tinapay ng buhay na walang hanggan. Huwag nating gamitin si Jesus, ni ang ating kapwa. Magmahal, huwag manggamit.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN