Share the Thought by Msgr. Andro
25 April 2023
 
Sa ating pangangaral, Diyos ang gagabay. Sa kapistahan ng ebanghelistang si San Marcos ay muling binibigyang-diin ang atas ni Jesus na tayo ay "humayo at ipangaral ang Mabuting Balita." Sa pagtupad natin ng gawaing ito ay tutulungan tayo ng Panginoon at siya ang siya ang ating kaagapay. Malaking misyon ang mangaral. Hindi madaling antigin ang pusong pinatigas ng galit, kawalang pag-asa at pag-aalinlangan. Gayunman ay magagawa ang lahat dahil may Diyos na sa atin ay pumapatnubay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN