Share the Thought by Msgr. Andro
26 April 2023
 
Masakit ang itakwil. Ito ay karanasang hindi malilimutan. Mabuti na lamang at si Jesus ay hindi nagtatakwil sa sinumang lumalapit sa kanya. Wala sa kanyang bokabularyo ang salitang "rejection." Kahit gaano tayo kasama, kahit madalas tayong nagtataksil sa Panginoon, patuloy pa rin niya tayong tatanggapin at yayakapin. Hindi niya nais na mawala o mapahamak ang sinuman. Lahat tayo ay mahal ni Jesus. Ang ating pangalan ay nakasulat at nakatatak sa kanyang puso.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN