Share the Thought by Msgr. Andro
27 April 2023
 
Pinakamahusay na guro ang Panginoon. Tulad ng pahayag sa Lumang Tipan, "... at sila'y tuturuan ng Diyos." Bilang dakilang guro, tuturuan niya tayo ng daan patungo sa langit. Sa pamamagitan ng kanyang mga turo, matutuklasan natin ang kanyang banal na kalooban. Tatahak tayo sa matuwid na landas ng katwiran at kabanalan. Hindi tayo maliligaw kailanman sapagkat gagabayan niya tayo. Siya ang Karunungan. Siya pa rin ang Guro.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN