Share the Thought by Msgr. Andro
28 April 2023
 
Kapag tayo ay kumakain, ang pagkain ay nagiging bahagi ng ating katawan. Ito ay nagiging bahagi natin. Iba ang nangyayari kapag kumakain tayo ng Tinapay ng Buhay, ang Katawan ni Cristo. Tayo ay nagiging bahagi niya. Ito ang pahayag ni Jesus sa ebanghelyo. Wika niya, "Ang kumakain ng aking Laman at umiinom ng aking Dugo ay nananatili sa akin at ako sa kanya." Sana'y higit pa nating naising tanggapin ang Katawan ni Cristo at manatili sa piling niya.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN