Share the Thought by Msgr. Andro
02 May 2023
 
Sa laro ay may agawan. Sa pag-ibig ay mayroon din. Iyan ang ayaw ni Jesus. "Hindi sila maaagaw sa akin ninuman." Ang tinutukoy niya ay ang mga tupang kabilang sa kanyang kawan. Tayo 'yon. Ayaw ng Panginoon na tayo ay maagaw ni Satanas. Ganyan ang kanyang mithiin para sa atin. May bahagi rin tayo na dapat gampanan. Magsikap din tayong huwag maagaw ng Diyablo. Manatili tayo sa piling ng Diyos. Tandaan natin: Sa pananalig kay Jesus, walang agawan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN