Share the Thought by Msgr. Andro
03 May 2023
 
Kapag matagal nang kasama, dapat kilalang-kilala na. Nagtaka si Jesus sa tanong ni Filipe kaya't nasabi niya, "Matagal na ninyo akong kasama. Diyata't hindi mo pa ako nakikilala?" Baka ganoon din tayo. Ang tagal na nating kasama si Jesus. Matagal na tayong bibinyagan. Ilang taon na tayong dumadalo sa Misa at nakikinig sa kanyang salita. Kaytagal na panahon na tayong nagdarasal sa kanya. Ang dami na nating narinig ukol sa Panginoon. Bakit kayrami pa rin nating tanong? Bakit hindi pa natin siya lubos na nakikilala?

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN