 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 07 May 2023 |
| |
|
|
Mabuti na lamang at mayroon nang google map at waze ngayon. Madali nang maglakbay. Mahahanap na ang tamang daan patungo sa target na lugar. Higit-higit pa sa google map si Jesus. Siya ang Daan [at Katotohanan at Buhay] patungo sa Ama. Ang kanyang Salita ay gabay papunta sa langit. Ang kanyang mga aral ay nagtuturo ng tamang landasin. Hindi tayo maliligaw sa piling ni Jesus. Gagabayan niya tayo sa tuwina. Huwag na tayong makinig sa ibang tinig. Ang sundan natin ay mapagligtas na tinig ni Jesus. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|