 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 08 May 2023 |
| |
|
|
Magkaugnay ang pagtalima at pagmamahal. Wika ni Jesus, "Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita." Hindi kapani-paniwala kung sinasabi nating mahal natin ang Panginoon ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos at tagubilin. Pagsunod ang batayan ng tunay na pag-ibig. Sinusunod ng isang nagmamahal ang lahat ng ipinagagawa ng kanyang minamahal. Kung tunay nating iniibig si Jesus, dapat ay nakahanda tayong tumalima sa kanyang kalooban. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|