 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 10 May 2023 |
| |
|
|
Kalikasan ng puno ang mamulaklak at mamunga. Kaya naman, kawawa ang punong hindi makapagbigay-bunga. Bilang sanga ng punong-ubas na walang iba kundi si Jesus, tayo ay inaasahang mamunga rin. Paano? Dapat ay nakakabit tayo sa puno at hindi nahihiwalay dito. Kapag humiwalay tayo sa Panginoon, hindi tayo makapamumunga at ituturing tayong walang silbi. Palagi tayong makipag-ugnay kay Jesus. Mabubuhay tayo sa piling niya at mamumunga nang sagana. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|