 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 12 May 2023 |
| |
|
|
Isang malaking pribileheyo na maituring na kaibigan ni Jesus. Wika ng Panginoon, "Hindi ko na kayo inaaring alipin... inaari ko kayong mga kaibigan." Tunay ang pakikipagkaibigan ni Jesus. Hindi siya ang tipong "friend" lamang sa facebook na pwede i-add, i-accept at pagkatapos ay wala na. Tuluy-tuloy ang kanyang kaugnayan sa atin. Nag-alay siya ng buhay para sa atin at 'yon ang sinasabi niyang pag-ibig ng kaibigan na wala nang hihigit pa. Tunay, kaypalad nating maging kaibigan ni Jesus. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|