Share the Thought by Msgr. Andro
14 May 2023
 
Siguradong malungkot ang buhay ng isang ulila. Wala na siyang masasandigan. Nakapagpapalakas ng loob ang pangako ni Jesus, "Hindi ko kayo iiwang ulila." May dalawang dahilan. Una, sapagkat muli siyang mabubuhay. Ikalawa, isusugo niya ang Espiritu Santo. Hindi na nga tayo mangungulila dahil sa walang patid na presensya ng Panginoon. Hinding-hindi niya tayo iiwan kailanman. Siya ang Emmanuel na palaging nasa piling natin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN