 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patnubay' ni Msgr. Noel |
| 15 May 2023 |
| |
|
Mahirap ang manindigan sa katwiran. Maraming pagsubok at pag-uusig. Sabi nga, "the way to the Truth is narrow; you always walk alone." Hindi madaling magpaka-Kristiyano sa isang lipunang namihasa sa kabuktutan at kasinungalingan.
Subalit hindi tayo dapat mawalan ng loob. May iniwang pangako si Hesus. Magpapadala siya ng Patnubay. Ito ay ang Espiritu ng katotohanan.
Sa harap ng pag-uusig, may magtatanggol at magsasalita para sa atin. Ang Espiritu Santo ang buhay na presensya ni Hesus sa ating piling. Hindi tayo nag-iisa.
*Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|