Share the Thought by Msgr. Andro
18 May 2023
 
Nakikita kay Jesus ang dalawang mukha ng buhay -- kalungkutan at kagalakan. Ang kanyang kamatayan ay nagdulot ng kapighatian ngunit ang kanyang muling pagkabuhay ay naghatid ng kaligayahan. "Your sorrow will turn into joy." Ito ang pangako ni Jesus. Natupad ito nang siya ay muling nabuhay. Ang lungkot ng mga alagad ay napalitan ng kagalakan. Aral ito sa ating lahat. Palaging magkakambal ang kalungkutan at kasiyahan. Lilipas ang hapis. Ligaya'y sasapit.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN