 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 May 2023 |
| |
|
|
Lapat sa buhay -- Ganyan kung mangaral si Jesus. Sa ebanghelyo ngayon, inilarawan niya ang lungkot ng mga alagad sa paghihirap ng isang babaeng magsisilang ng sanggol. Napapawi ang lahat ng hirap kapag ang anak ay ganap nang nailuwal. Ibayong galak ang madarama ng mga alagad kapag siya ay muling nabuhay. May aral na hatid sa ating lahat. Huwag panghihinaan ng loob dahil sa mga pagsubok. Mapapalitan ito ng pagpapala. Hindi palaging lungkot. May ligaya ring darating. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|