Share the Thought by Msgr. Andro
22 May 2023
 
Mahirap ang nag-iisa. Sa Aklat ng Genesis ay sinabi, "Hindi mabuti na mag-isa ang tao." Sa ebanghelyo ngayon ay ipinahayag ni Jesus, "Hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama." Tayo ay man ay hindi rin nag-iisa. Si Jesus, ang Emmanuel, ay kasama natin sa tuwina. Ipinangako niyang hindi niya tayo iiwang nangungulila. Walang dahilan para tayo matakot o mangamba. Kapiling natin ang Panginoon sa araw-araw at sa bawat sandali.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN