Share the Thought by Msgr. Andro
23 May 2023
 
Kayganda ng pakiramdam kapag nalaman nating may kapwang nagdarasal para sa atin. Iyon ay nakapagpapalakas ng loob. Mas nakatutuwang marinig ang ebanghelyo ngayon. Ito ay mga salita ni Jesus na nagsasabing tayo ay kanyang idinadalangin. Batid ni Jesus na tayo ay nakikibaka pa sa sanlibutan kaya't tayo ay kanyang ipinagdarasal. Kaypapalad natin. May Panginoong nagmamalasakit. May Panginoong nagdarasal.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN