Share the Thought by Msgr. Andro
29 May 2023
 
Noong 2018, itinalaga ni Papa Francisco ang Lunes kasunod ng Pentekostes bilang parangal kay Maria, Ina ng Simbahan. Sa pagtayo ni Maria sa paanan ng krus ay dalawa ang naganap. Nakihati siya sa pagliligtas ni Jesus sa sankatauhan. Siya rin ay pinaghabilinan ni Jesus upang maging Ina ng Simbahan, ng mga alagad na kinakatawan ni San Juan. Kilalanin natin si Maria bilang Ina ng Diyos at Ina natin. Tayong bumubuo ng Simbahan ay kanyang mga anak na kinakalinga at minamahal.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN