 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 30 May 2023 |
| |
|
|
Delikado si Pedro sa mga Maritess. Sa sinabi niyang "iniwan namin ang lahat," baka sagutin siya nang ganito, "para namang marami kang iniwan, eh mangingisda ka lang naman." Ang hindi nila alam, para sa mangingisda, ang lambat at bangka ay "lahat-lahat na." Ito ang kanyang buhay at kabuhayan. Huwag naman tayong padalus-dalos sa paghusga. Hindi komo hamak ang isang tao ay wala na siyang pwedeng isakripisyo. Wala 'yon sa halaga kundi sa buong-pusong pag-aalay ng minamahalaga. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|