Share the Thought by Msgr. Andro
01 June 2023
 
Talagang ang bulag ay kahabag-habag. Higit pang naantig si Jesus nang sumigaw si Bartimeo, "Mahabag po kayo sa akin." Kinahabagan siya ng Panginoon at binigyan siya ng paningin. Hindi tayo mga bulag ngunit sa maraming pagkakataon ay kahabag-habag din tayo. Kailangan din nating magpakababa at humingi ng awa ng Panginoon. Wala tayong lakas kung hindi niya tayo kahahabagan at tutulungan. "Mahabag po kayo." Ganyan ang ating laging pakiusap kay Jesus.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN