Sa Isang Salita: 'Sugatan' ni Msgr. Noel
01 June 2023
 
Walang taong hindi nakararanas ng sakit at hirap. Iba't ibang pagsubok, problema, o karamdaman ang ating pinagdaraanan. May karanasang nag-iiwan ng malalim na sugat sa ating pagkatao.

Subalit ito ang mundong pinasok ni Hesus. Alam niya ang hirap ng buhay sapagkat dinanas rin niya ang maging sugatan. Si Hesus ay hindi lang Diyos, kundi tao ring totoo. Siya ay pari sapagkat siya ay tao, kaisa at karamay natin sa lahat ng bagay, maliban sa kasalanan. Siya ang namama-gitna sa Diyos at tao.

Tulad ni Hesus, tinatawag tayo ng Diyos mula sa lugar ng kahinaan upang maging mabisang kasangkapan ng mapagpahilom na pagmamahal ng Diyos sa kapwa. Sa aklat na "Wounded Healer," sinabi ni Henri Nouwen: sa ating kahinaan, matututo tayong makiramay. Mula sa ating pagiging sugatan, maaari tayong maging bukal ng kagalingan para sa iba.

“God uses broken things. It takes broken soil to produce a crop, broken clouds to give rain, broken grain to give bread, broken bread to give strength. It is the broken alabaster box that gives forth perfume. It is Peter, weeping bitterly, who returns to greater power than ever.” - V. Havner

* Huwebes pagkaraan ng Pentekostes, Kapistahan ng Panginoong Hesukristo,
Walang Hanggan at Dakilang Pari

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN