 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
05 June 2023 |
|
|
Ang inggit ay nakamamatay. Ang inggit ay nagbubunga ng kamatayan. Inggit ang nag-udyok sa mga kasama upang paslangin ang anak ng may-ari ng ubasan. Ito, anila, ang tagapagmana. Pinatay nila ang anak para mapasakanila ang mamanahin. Nakapangingilabot ang trahedyang bunga ng pagkainggit. Iwasan natin ang magselos at mainggit sa mabuting tinatamasa ng kapwa. Mapanganib ang inggit. Tunay na nakamamatay. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|