Share the Thought by Msgr. Andro
08 June 2023
 
Tinanong ko ang isang bata, "Ilan ang Diyos?" Ang sagot niya, "Marami po. Mayroon sa altar. Mayroon sa sa bawat kwarto. Mayroon pa sa sasakyan." Ang tinutukoy pala niya ay mga imahen. Iisa naman ang Diyos at iyon ay maliwanag sa "Shema" na binabanggit sa ebanghelyo. Pero bakit tila maraming karibal ang Diyos? Marami tayong itinuturing na Diyos -- kayamanan, kapangyarihan at iba pa. Sana nga panindigan nating iisa ang ating Diyos. Siya lamang ang ating kinikilala at sinasamba.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN