 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dating Normal' ni Msgr. Noel |
| 09 June 2023 |
| |
|
Isang bagong normal ang hatid ng pagdating ni Hesus - higit pa sa inaasahan ng mga Judio. Bagamat ang Mesias ay mula sa lipi ni David, Siya ay higit pa sa kanyang ninunong si David sapagkat Siya ay Anak ng Diyos.
Ito ay nagdala sa atin sa isang bagong kamalayan, na nagtakda ng mas mataas na antas ng pamantayan (new normal) ng pamumuhay.
Sa panahong ito ng krisis, napagtanto natin ang ating mga pagkukulang. Inabuso natin ang kalikasan, pinabayaan natin ang ating kalusugan, pinagwalang-bahala ang mahalaga sa buhay. Tinalikdan at kinalimutan natin ang bagong normal ng buhay-Kristiyano, ang pamantayan ng ebanghelyo.
Kung may isang mensahe ang Diyos sa pangyayaring ito, ito ay ang panawagang tuklasin ang dating normal: Magbalik tayo sa buhay na sumusunod sa diwa ni Kristo.
*Biyernes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|