 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 10 June 2023 |
| |
|
|
Mayamang puso. Taglay ito ng balong dukha sa ebanghelyo. Dadalawa lamang ang kanyang pera [sa Griego ay "lepta."] ngunit ibinigay pa niyang lahat. Salat sa pananalapi ngunit sagana sa kagandahang- loob. May mga taong hindi masukat ang taglay na yaman ngunit dukha naman sa pag- ibig. Kakaiba ang babaeng balo. Maaari sana siyang magtira ng isang "lepton" para sa kanyang sarili ngunit hindi niya ito ginawa. Ibinigay niya lahat-lahat. Pusong napakayaman! |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|